Monday, December 10

Enmat

Pagkatapos kong kunin ang NMAT kanina sa loob ng anim na nakakasakit-ng-batok na oras, pakiramdam ko ang.. astig ko, hehe. :) At syempre, ng buong klase. :) Astig kase apat na raang tanong ang dinaanan namin, kasabay ng apat na raang initimang bilog, habang nakikipagkarera sa oras at nakikipaglaban sa tindi ng buga ng aircon. Parang natapos mo na ang unang pagsubok ng med life sa pamamagitan ng mahabang pagkakaupo.

At kahit dinaig ng mga tambayan at buildings ng La Salle and bawat sulok ng UPM, astig pa rin ang pakiramdam, dahil taliwas sa kapalaran ng nakararami, alam ko na sa puntong ito kung saan ako unang magbubukas ng katawan ng tao. At sa palagay ko, hindi kayang tumbasan nung marmol na sahig, malawak na grass field at nung vending machine ang pakiramdam na yon. :)

*done blabbing.

No comments: