Saturday, April 7

Precilla

May batang nakakapit sa leeg ko ngayon habang ako ay nagsusulat. Mas maganda pa sa bata sa kanan. :P hehehe. :)

Kakauwi lang namin galing sa court sa Angeles. At dito kami ngayon matutulog sa Pampanga, sa bahay nina Precilla, ang batang super ganda.. (binabasa ko to ng malakas ngayon para maintindihan niya. :) ) Inaaliw ko, umiiyak kasi siya, inaway ng aking Ate. hehehe. At hanggang ngayon ay hindi pa rin ngumingiti ang batang namumula ang ilong. ;)

Si Prisie ang pinakamalambing na batang nakilala ko. :) Pinakamahigpit yumakap, pinakamagandang tumawa, pinakamadaling matuto, at pinakamagaling magdrawing! hehe. :) Sa madaling salita, mana sa kin. hehe. :)

Hindi ako sanay ng ganito, umiiyak at walang imik.. Pero mukhang naaaliw na kakapindot ko dito, nakatingin na lang siya sa monitor. :) Naaaliw ata siya kung panong sa bawat pindot ko ay may nadadagdag na letra. Sana kasing inosente ko na lang to. Para hindi ko na iniisip ang mga bagay na hindi ko naman dating iniisip, at hindi na nalamatan ang mga bagay na pinahahalagahan ko. :)

*done blabbing.

No comments: