Tuesday, December 5

Bluff

Ganito yun. Basta pagalingan lang magsinungaling, mananalo ka na. :)

Tagaytay, Sabado ng gabi. Sa ilalim ng full moon at ng Eucalyptus tree, naisipan naming maglaro ng baraha, wala na kasi kaming magawa. Sayang ang lamig sa labas at ang kumot na nakalatag sa damuhan.

‘Ganito yun,’ sabi ni Kuya Arvin. ‘Basta dapat magaling kang magsinungaling. Pag naglatag ako ng nakabaliktad na baraha, at sinabi kong apat na 10 yun, puwede niyong hulaan kung totoo ba yung sinabi ko. Puwedeng apat na 10 nga yung nilapag ko, o hindi. Kung walang kokontra, ako ulet ang magbababa. Kung meron, at tama kayo, mababalik sa akin yung baraha. Kung may kumontra sa akin at mali siya, sa kanya mapupunta yung baraha.’

‘Dahil may apat na deck, may apat na cards din ang bawat number. Pag sinabi kong tatlong 10 ang nilapag ko, puwede niyong buuin at gawing 4, magdadagdag kayo ng isa pang 10. Siyempre, puwede kayong manloko. Puwedeng hindi pala 10 ang ibaba niyo, mabuo niyo lang yung binaba ko. Kung walang kokontra, ikaw ulet ang magbababa. Kung meron, at tama sila, mapupunta sa iyo pati ang baraha ko. Kung may kumontra sa iyo at mali, sa kanya mapupunta yung baraha.’

‘Kung ikaw ang nagkumpleto ng deck at walang kumontra, ikaw naman ang maglalapag ng maglalapag. Ulit lang. Gets?’

‘Unang maubos ang baraha, panalo.’

Tumango ako. Pero sa totoo lang, hindi ko maintindihan. Nagbalasa. Nagpamigay. Manunuod muna ko, sabi ko sa sarili ko.

Nauna si Kuya Arvin. Tatlong 10 daw yung nilapag niya Walang kumontra. Naglapag ulit siya ng tatlong baraha, tatlong 10 daw ulit yun. ‘Bluff!’ sabi ni Ate Daisy. Pinakita ni Kuya Arvin yung nilapag niya, tatlong 10 nga. Yung unang lapag pala niya ang kasinungalingan. Napunta lahat kay Ate Daisy yung baraha. :)

A, madali lang to, nasabi ko sa sarili ko. Hindi na lang ako magsisinungaling, lahat ng ilalapag ko, yung totoo.

Naglaro. :) Naubos na agad ni Kuya Arvin ang baraha niya, magaling manlinlang. Dumadami na ang cards nina Ate Daisy, Alaina, Ate at Ellise. Pero maya-maya, nauubos din. Basta diskarte lang sa lokohan, sa pagpili ng tiyempo, sa pagsugal ng pagkakataon.

Hindi pa rin ako nagsisinungaling. Naghihintay lang ako na may mabuong deck, tsaka ko kukumpletuhin. Minsan dumadami ang cards nila dahil sa akin, dahil pag sinabi nilang ‘Bluff!’ ako, napupunta sa kanila. E hindi nga ako nagsisinungaling.

Hindi nga ako nagsisinungaling, hindi naman ako nananalo. E sinira ko na nga ang purpose ng laro, para lang hindi madagdagan ang hawak kong baraha. Hindi rin naman umuusad ang pagkaubos ng hawak ko. Walang kwentang kalaro. Walang butong sumugal, walang angas manloko. Wala talagang kwenta.

Talo. Pero masaya kasi nasubukan ko at marami akong natutunan tungkol sa sarili ko.

Tumulala, o tumula.

It’s either I am doing the right thing by waiting for the right time, or I am wasting time by letting it pass by. It’s either I am set to face the perfect moment, or I am currently missing it. Should I stay hanging at the edge of the cliff? Or should I jump? Would I fly?

Anu man ang piliin ko, meron at merong iiyak.

One thing’s sure though. The more I think about it, the more I become unsure of what to do, and the more I become unsure of what to do, the more I become sure that this is all worth the trouble. :D



*done blabbing.

3 comments:

Patrick said...

i love the last part. it's like you summarized something that i should do. but i don't dare do it. haha. you know what, i feel like i could learn a lot from you, but why is it that all i can ever say to you are all superfluous greetings? and no. lying doesn't fit you. haha.

Anonymous said...

dete.. I dont blame you.. Your seeing both sides.. The benefits of it. The happiness of it.. But you're also seeing the scary part of it. Mostly because of me. You know how stubborn i am. In all ways. But once dad or mom shouts at me, i'll cripple down to pieces. What I eventually realized is that I do get those "bad shouts" often now. I cried for like months and I'm still crying because the used-to-be so accepted relationship is now being feared of. Not by other people but by the people who rests closest in my heart. I do understand that he's not what u want for me. And he's far from what you want. I have my own doubts. Does he really love me? Then why did he leave?

He's coming back...

I guess the much better him. Calling me every lunchbreak to check if i've eaten my lunch.. bringing me flowers,cards and even food to school.. Arranging "lakad" when he's free..Giving me all kinds of surprises. starting from balloons to cakes to singing children who serenaded me with "Stick with you"..

That's what I've been doing for the past one year, and when he did, even for just a week now, its like im in heaven.

but the worst part of it is that i dont get to brag about it. "Hindi ko masabing, ang sweet sweet nya kahit hihimatayin na sa sobrang touched." Wala kasing maniniwala.." At harap harapan nyo na namang sasabihing hindi ako mahal nung tao.

You dont know him that well.. yes, he has so many "bluff moments" before. Walang effort. Kasi hindi nya alam kung pano. Kasi natatakot sya. Sobrang taas ko. Sobrang taas "NATIN"

Kuya arvin has his little ways..

and now.. his big ways are too overwhelming..

"mahirap palang maging masaya pag mag isa ka lng masaya para sa sarili mo. Hindi rin pala ganun kasaya yun. Wala akong kakampi ni isa."

"basta alam ko,lalaban kami kahit dalawa lang kami. Kung dati nga mag-isa lang ako, lumalaban ako eh, ngayon pa.. Unti-unti.."

Sabi nga ni kuya arvin, "nalagpasan na natin yung kalahati ng storm bhie, kalahati pa, tapos rainbow na.. May silbi yung rainbow bhie, hindi lang nagbibigay color sa sky.. Para sa akin, yun ang inspiration ko sa gitna ng lahat ng bagyo. Na sa huli makikita rin natin yun, magkasama.. Mahal na mahal kita.. Salamat sa hindi pagbitiw, sa paglaban. Pahinga ka muna, ipolish mo muna sword mo. Ako naman..."

nasabi ko nalang sa sarili ko, ngayon pa b ako magpapahinga? Mas masarap lumban dahil me kasama na ko.

sabi nya: Hindi tayo magiging katulad ni tita phen. Iba tayo, iba sila. nagkamali na ako noon ng iwan kita. Hindi lang ikaw ang nasaktan. Pero hindi ako katulad ng asawa nya. At alam ko kahit marami kayong parehong ugali ni tita phen, hindi karin katulad nya. HINDI TAYO MAGIGING GANUN. MALAYO SA GANUN.

Kahit di nya sabhin, alam kong hndi kmi magiging ganun. Hindi kami stubborn. Alm namin kung kelan magsosorry o magpapakipot.

GAGAWIN KO LAHAT MAGING MAAYOS LANG.. MARAMI AKONG KAILANGANG PATUNAYAN PERO UUNTI UNTIIN KO.. PARA SA KANYA. PARA SA AMIN.

pinagkakatiwalaan kita dete.. sayo ko lng sinabi..

Masarap magmahal.. kahit madalas may masakit na parte, kasi sabi mo nga, kahit anong gawing desisyon mo may iiyak.. Pag naramdaman mong kahit nasigawan ka, ok lng, kasi nagmamahal ka..

di ko sinasabing itry mo.. nasa sa iyo lng..

sabi nga ni jhopet, desisyon mo ang ngsasabi kung sino ka. magdesisyon ka ng tama.

isipin mong mabuti..

andito lang ako pag kailangan mo..

ingat parati US girl.

Anonymous said...

nice blog serine ^_^